Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Nanay, kinuryente ng sariling anak sa Midsayap, Cotabato; patay

(Midsayap, Cotabato/ October 6, 2014) ---Patay ang isang nanay makaraang kuryentehin ng sariling anak nito na pinaniniwalaang may deperensiya sa pag-iisip sa Brgy. Bulanan, bayan ng Midsayap, Cotabato kamakalawa.

Ayon sa report nagsasampay ang biktimang si Susan Sinoy, 49 anyos nang idikit ng kanyang anak na si Jobert Sinoy ang isang live wire sa sampayan nito at nakuryente.

Nagtamo ng matinding sunog sa katawan ang biktima na agad namang binawian ng buhay.

Malaki ang paniniwala ni Supt. Reinante Delos Santos, hepe ng Midsayap PNP  na wala sa matinong pag iisip ang suspek kaya nagawa nitong kuryentehin ang kanyang nanay.

Sa ngayon, kalaboso si Jobert sa Midsayap PNP lock up cell habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kanya. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento