Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

3 sugatan sa banggaan ng motorsiklo sa Antipas, Cotabato

(Antipas, Cotabato/ October 15, 2014) ---Sa ospital ang bagsak ng tatlo katao makaraang masangkot sa nangyaring vehicular accident sa brgy. Pontevedra, Antipas, Cotabato alas 2:15 kahapon ng hapon.

Kinilala ni PSI Felix Fornan, hepe ng Antipas PNP ang mga biktima na sina Clinton Matinog, 35-anyos, residente ng Malatab, Antipas, drayber ng Honda TMX motorcycle; Edward Encarnacion, drayber ng motorstar motorcycle at ang angkas nitong kinilalang si Josephine Golmatico.

Batay sa ulat, binabaybay ng dalawang sasakyan ang national highway sa nasabing barangay ng mag-overtake ang motorstar sa isang Isuzu Truck dahilan para aksidente nitong mabangga ang TMX motorcycle.

Dahil sa lakas ng impact, sugatan ang dalawang drayber habang grabeng sugat naman sa kanyang paa ang tinamo ng sakay ng motorstar na si Golmatico.

Agad na isinugod ang mga biktima sa bahay pagamutan habang patuloy ang ginagawang imbestigasyon. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento