Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Diumano’y Swindler patay sa panibagong insidente ng pamamaril sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ October 19, 2015) ---Pinabulagta ng tatlong mga di pa nakilalang suspek lulan ng motorsiklo ang isang babae sa panibagong krimen sa may bahagi ng Mantawil Extension, Poblacion, Kabacan, North Cotabato alas 12:00 ng tanghali kahapon.

Sa report na nakarating kay PSI Ronnie Cordero, pinuno ng Kabacan PNP kinilala nito ang biktima na si Janeth Olivar alias ‘Lalang’, may asawa at residente ng Abellera St., ng bayang ito.

Batay sa ulat sakay ng isang kulay pulang Bajaj Motorcycle na walang plate number ang tatlong mga suspek ng pagbabarilin nila ang biktima.

Nang makitang patay na ang biktima, agad na tumakas ang mag suspek papuntang Sitio Lote, Kayaga, Kabacan, Cotabato.


Patuloy pa ngayon ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad upang malaman kung anu ang motibo sa nasabing krimen. Rhoderick Beñez

1 komento:

  1. Grabe na talaga ang Kabacan walang pinipiling oras anytime pwedeng gumawa ng krimen..Nakakalungkot..Ive been there last month at dinig na dinig ang putok kahit tanghaling tapat parang normal na sa mga kapit bahay ang ganyang situation.

    TumugonBurahin