Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

2 katao, timbog matapos mahulihan ng di lisensiyadong baril sa Pikit, Cotabato

(Pikit, North Cotabato/ October 23, 2015) ---Dalawa katao ang nahulihan ng baril matapos ang inilatag na oplan kap-kap bakal at operasyon lambat bitag sa National Highway ng Poblacion, Pikit, North Cotabato kahapon ng umaga.

Mismong si P/SSupt. Alexander Tagum, ang Provincial Director ng CPPO ang nanguna sa nasabing operasyon kasama ang Pikit PNP at iba pang mga himpilan ng pulisya.

Kinilala naman ni PI Sindato Karim, hepe ng Pikit PNP ang mga nahuli na sina Buwakan Aloy, 36-anyos at Pata Usman, 27-anyos kapwa residente ng Brgy. Balong, North Kabuntalan sa lalawigan ng Maguindanao.

Nakuha mula sa dalawa ang dalawang kalibre .45 na pitol at ilang mga bala.

Wala umanong maipakitang lisensya ang dalawang suspek dahilan para kulungin ang mga ito.


Kasong paglabag sa illegal possession of firearms ang kakaharapin ng mga suspek. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento