Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Brgy. Kagawad sa Antipas, pinaslang!

(Antipas, North Cotabato/ October 23, 2015) ---Patay ang isang brgy. Kagawad makaraang pagbabarilin ng di pa nakilalang suspek sa Brgy. Camutan, Antipas, North Cotabato alas 7:00 kaninang umaga.

Kinilala ni PCI Bernard Tayong, CPPO Spokesperson ang biktima na si Brgy. Kagawad Arnold Delgado Bazar, 42-anyos, may asawa at residente ng nasabing lugar.

Batay sa ulat nasa labas ng kanilang bahay ang biktima habang nagpapakain ng kanyang panabong na manok ng pagbabarilin ng di pa nakilalang suspek na nakapwesto sa bahay ng kanilang kapitbahay na si Melanie Baliguian Gomez.

Nagtamo ng maraming tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan ang biktima na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Mabilis namang tumakas ang suspek matapos ang krimen.

Natamaan naman ng ligaw na bala ang mga biktimang kinilalang sina Richard Suarez Timbang Jr., 12-anyos, Ronald Teodoro, 30-anyos kapwa residente ng bayan ng Antipas na mabilis namang isinugod sa Antipas Medical Hospital.

Patuloy namang tinutugis ng mga pulisya at sundalo ang responsable sa nasabingkrimen. Rhoderick Beñez



0 comments:

Mag-post ng isang Komento