MILGOO: Jasmin Musaid |
Ayon sa opisyal
number one ang Kabacan sa buong probinsiya ng North Cotabato sa mga nagsusuply
ng illegal na droga partikular na ang shabu.
SSupt. Cornelio Salinas |
Kaugnay
nito, ilulunsad nila ang giyera na tatawaging total war against illegal drugs
in North Cotabato kungsaan una nilang tutukan ang Purok Krislam dito sa bayan
ng Kabacan kaugnay sa kampanyang ito.
Ginawa ng
opisyal ang pahayag sa isinagawang emergency Municipal Peace and Order Council
meeting o MPOC kahapon ng hapon na dinaluhan ng ilang mga lokal na opisyal ng
bayan na pinangungunahan ni Vice Mayor Pol Dulay, mga heads of office ng LGU at
ilang mga regular na miembro ng MPOC.
Kabilang sa
mga aktibidad na ito ay ang sumusunod: supplemental feeding program; Medical
Outreach program, magbibigay din ng mga tsinelas ang mga pulis sa mga bata
doon.
Pero ang
nasabing laban, ayon kay Salinas ay hindi magtagumpay kung walang all out
support ang LGU Kabacan na nasabing kampanya, kontra illegal na droga.
Supt. Raul Supiter |
Sa kabila
nito, dadagdagan naman ang pwersa ng pulisya sa bayan para sa ilalagay na Task
Force Krislam.
Sinabi pa
ng provincial director na ang pinaka-ugat ng kriminalidad na nangyayari sa
probinsiya ay dahil sa illegal na droga.
Nabatid sa
report na nagkakahalaga umano ng abot sa P3.5M ang halaga ng isang kilong shabu
na sinusuply sa bayan ng Kabacan, ayon sa report.
Samantala,
walumpung porsiento ng mga kaso sa korte ng Kabacan ay may kinalaman sa illegal
na droga pero karamihan sa mga kasong ito ay ibinasura ng korte dahil sa hindi
pagsunod ng mga arresting officer ng chain of custody.
Kaugnay
nito, iginigiit ni councilor George Manuel sa Sanggunian na magsagawa ng
training at seminar ang korte para sanayin ang mga pulis sa tamang proseso ng
pag-aresto at para na rin di mabaliwala ang pagsisikap ng mga pulis na maaresto ang mga drug users and
pushers. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento