Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Grade-2 pupil pinasubo ng bato, guro kinasuhan!

(Norala, South Cotabato/ August 21, 2013) ---Pormal ng sinampahan ng kasong Child Abuse ang gurong nagpasubo ng bato sa kanyang estudyante mula sa Norala Central Elementary School sa bayan ng Norala, lalawigan ng South Cotabato.

Kinilala ang suspek na guro na si Maylene Lapido, adviser ng biktimang si John Paul Bombeyo, pitong-taong gulang at grade 2 pupil sa ilalim ng SPED sa nasabing paaralan.

Sa salaysay ni Letecia Alejaga, ang guardian ng bata, Hulyo 23 ng hapon nang mangyari ang insidente sa loob mismo ng classroom habang nagkaklase ang mga ito.

Ayon sa sumbong ng bata, pinakuha ito ng bato ng kanyang guro at pinasubo sa kanya bilang parusa sa kanyang pakikipag-usap sa kanyang kaklase.

Dagdag pa ni Alejaga na humingi din ng paumanhin ang nasabing guro sa kanyang ginawa ngunit nakapag-desisyon na ang mga ito na isampa sa korte ang kaso.

Idinulog din umano nila sa Dep Ed South Cotabato Division Office ang naturang reklamo ngunit inihayag na may sinusunod na protocol para sa nasabing usapin. (Rhoderick Beñez)




0 comments:

Mag-post ng isang Komento