Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Trader, 2 pa dedo sa shootout

(Libungan, North Cotabato/ August 20, 2013) ---Napaslang ang negos­yanteng lalaki makaraang pagbabarilin ng tatlong kalalakihan kung saan dalawa ay napatay naman ng mga operatiba ng pulisya sa naganap na shootout sa bayan ng Libungan, North Cotabato noong Sabado ng hapon.
Napuruhan sa kaliwang panga at kanang balikat ang trader na si Makatanong Agundar habang kinilala naman ang dalawa sa tatlong napatay na gunmen na sina Klaw Akmad ng New Panay sa bayan ng Aleosan; at Abubakar Ali.

Nabatid na pinagbabaril at napatay ang biktima sa loob ng palengke kung saan mabilis na tumakas ang tatlong gunmen lulan ng motorsiklo.
Gayon pa man, hinabol ng mga operatiba ng pulis­ya sa pangunguna nina P/Insp. Osman Mascod at SPO2 Johnny Caballero kung saan napatay ang dalawang gunmen pagsapit sa bahagi ng  Barangay Lawili sa bayan ng Aleosan. Narekober ng pulisya ang isang baril na hawak pa ng isa sa dalawang gunmen. (Rhoderick Beñez)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento