Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

24-anyos na lalaki, patay sa pamamaril sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ August 20, 2013) ---Dead on Arrival sa ospitala ng isang 24-anyos na lalaki makaraang pagbabarilin sa Barangay Katidtuan, Kabacan, Cotabato alas 5:35 ng hapon nitong Sabado.

Kinilala ni PCInsp. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang biktima na si James Mamalinta “alias” tata residente ng bry. Pagagawan, Datu Montawal, Maguindanao.


Batay sa report pinagbabaril ng di pa nakilalang salarin ang biktima kung tinamaan ito sa ibat-ibang bahagi ng katawan nito na naging dahilan ng agarang kamatayan.

Mabilis na isinugod ang biktima sa pinakamalapit na hospital, pero idineklara itong dead on arrival ng mga attending physician.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng mga otoridad, narekober sa crime scene ang tatlong basyo ng kalibre .45 na pistola na sya’ng ginamit sa nasabing pamamaril.

Sa ngayon patuloy pa rin ang ginagawang imbestigasyon para mabatid ang mutibo sa nasabing pamamaslang.

Nangyari ang insedente, isang araw bago ang 66th founding anniversary ng Kabacan kung saan hinigpitan ang seguridad kahapon sa paligid ng munisipyo kung saan wala namang malalaking insedente na lumikha ng anumang kaguluhan. (Rhoderick Beñez)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento