Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Fish vendor tiklo sa droga

(Kidapawan City/ August 18, 2013) ---Kulungan ang binagsakan ng isang misis na fish vendor matapos arestuhin ng mga operatiba ng pulisya kaugnay sa pagtutulak ng bawal na droga sa loob ng pamilihang bayan ng Kidapawan City kamakalawa.

Pormal na kinasuhan ang suspek na si Zoraida Pocot kung saan bukod sa paglalako ng mga isda sa palengke, may sideline rin itong pagbebenta ng shabu.

Nabatid na may ilang linggong sinubaybayan si Pocot matapos makatanggap ng ulat na nagtutulak ng shabu habang nagtitinda ng isda sa palengke.


Sa ngayon tiniktikan na rin ng pulisya ang ilan pang kasamahan ng suspek sa palengke na nagpapakalat ng droga. Nasamsam kay Pocot ang dalawang plastic sachet ng shabu at marked money na ginamit sa buy-bust operation. (Rhoderick Beñez)








0 comments:

Mag-post ng isang Komento