(Kabacan, North Cotabato/ November 10, 2013)
---Arestado ang dalawa katao matapos mahulihan ng mga baril sa may corner ng
Sinamar 2, Poblacion, Kabacan, cotabato alas 7:00 ng gabi noong Huwebes.
Kinilala ni PCinsp. Jordine MAribojo, hepe
ng Kabacan PNP ang mga nahuli na sina Mama Andog, 25-anyos, may asawa,
magsasaka at residente ng Marbel, Matalam, North Cotabato na nakuhanan ng
20gauge homemade pistol na naglalaman ng
live ammo habang tiklo din ang kasama nitong nakilalang si Julan Sangkilan,
18-anyos at residente ng Plang Village, Pobalcion ng bayang ito.