NEWS UPDATES

Trader, pinabulagta ng riding in tandem

(Matalam, North Cotabato/ December 4, 2013) ---Bulagta ang negosyante makaraang ratratin ng dalawang gunmen sa Cotabato-Davao Highway, partikular sa bayan ng Matalam, North Cotabato alas 9:45 ngayong umaga lamang (December 2, 2013).

Kinilala ng Matalam PNP ang biktima na si Ted Cespon, 56 residente ng President Roxas, North Cotabato.


Batay sa inisyal na pagsisiyasat, itinumba ang biktima ng dalawang suspek na lulan ng itim na Kawasaki sa ulo at dibdib.

Sinundan si Cespon ng mga suspek habang sakay ito sa isang multi-cab mula sa Kilometer 114 sa Barangay PAco, Kidapawan city at pagbaba sa nasabing lugar ay pinagbabaril ito na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Hindi pa malinaw kung ano ang totoong motibo sa nasabing pamamaril. Rhoderick BeƱez


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento