NEWS UPDATES

OWWA-ARMM sa Publiko: mag-ingat sa illegal recruiter

(ARMM/ November 25, 2013) ---Pina-iingat ngayon ng Overseas Workers' Welfare Administration o OWWA-ARMM ang publiko labansa mga ahente ng mga recruitment agency na kumukuha ng mga nais magtrabaho sa ibang bansa.

Ayon kay OWWA-ARMM OIC Habib Malik hinikayat nito ang publiko na dapat ay kilatising mabuti kung ang recruiter ay lehitimong myembro ng isang legal na recruitment agency bago pumayag sa alok na trabaho sa ibang bansa.

Kaugnay nito, pinayuhan din ni Malik ang mga nagnanais mangibang bansa na tiyaking may kontratang maipakita ang recruiter o recruitment agency na pinirmahan ng Labor Attache ng bansang pagtatrabahuan at tiyaking dumaan ito sa POEA bago magbigay ng placement fee.


Dagdag pa ng opisyal, kung walang maipakitang lehitimong dokumento ang isang recruiter, maaaring kumonsulta sa OWWA o POEA dahil sila lamang ang may listahan ng mga lehitimong recruitment agency sa bansa. Rhoderick BeƱez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento