NEWS UPDATES

Half rice sa mga kainan sa Kidapawan City; isinusulong ng isang lokal na mambabatas

(Kidapawan City/ November 25, 2013) ---Maari na umanong humiling ng half rice sa mga kainan sa Kidapawan city, ito kung maipapasa na ang ordinance number 13-706 sa Sangguniang Panglungsod.

Ang nasabing ordinansa ay ipinanukala ni City Councilor Alan Amador sa layuning maiwasan ang pag-aaksaya ng bigas o kanin at bilang paggunita na rin sa taong 2013 bilang National Year of Rice.


Nakasaad sa nasabing panukala na isali sa mene ang kalahating tasa ng kanin o half rice sa mga kainan, restaurants, cafeterias, canteens, fast food chains at catering operations sa lungsod.

Kaugnay nito, isasagawa ang public hearing sa Kidapawan city Gym ngayong December 6,2013 alas 8:30 ng umaga. Rhoderick BeƱez


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento