NEWS UPDATES

Armadong grupo, tumira; 1 utas

(Midsayap, North Cotabato/ December 2, 2013) ---Isa katao ang iniulat na nasawi habang isa pa ang sugatan ng atakehin ng mga armadong grupo ang Sitio Narra, Barangay Tugal, Midsayap, North Cotabato pasado alas 6:00 kagabi (November 28, 2013).

Ayon kay Barangay Tugal chairperson Ping Kolilong tumagal ng halos sampung minute ang palitan ng putok sa engkwntro na naganap sa kanilang barangay.


Kinilala ang napaslang na si Kasanurin Guialal, residente ng Datu Piang at isa sa mga umatakeng armado na pinangungunahan ni Commander Dadoy Pulalon.

Sugatan naman sa engkwentro ang barangay tanod na kinilalang si Siang Sambata, 40 anyos, residente ng rin ng Barangay Tugal.

Wala namang may mga lumikas na residente sa nasabing labanan, di rin umano rumisponde ang mga pulisya at militar sa nasabing sagupaan ng dalawang pangkat.

Kaugnay nito, nanawagan naman si Philippine Army's 602nd Brigade spokesperson Capt. Antonio Bulao sa publiko na agad makipag-ugnayan sa mga otoridad sakaling mamataan si Datukan Samad na mas kilala sa Kumander “Lastikman” sa kanilang lugar.

Tumakas si Lastikman patungo sa bulubunduking bahagi ng Pikit partikular na sa Barangay Balungis.

Si Lastikman ay isang notoryus na magnanakaw ng motorsiklo at nasa likod ng ilang serye ng harassment sa ilang military at police installation sa North Cotabato at Maguindanao. Rhoderick BeƱez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento