NEWS UPDATES

Commitment Order sa rape suspek na taga-Matalam, North Cotabato; ilalabas na!

(Matalam, North Cotabato/ November 16, 2013) ---Hinihintay na lamang ang commitment order sa rape suspek na nahuli ng mga operatiba ng North Cotabato Crime  Investigation and Detection Group sa Sitio Dimomoyong, Barangay Kibia, Matalam, North Cotabato, dakong alas 3:30 Kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang suspek na si alyas Badoy ,27-anyos na residente ng nabanggit na lugar.


Ayon kay North Cotabato CIDG Head Chief Inspector Elmer Guevarra si Alyas Badoy ay hinuli sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Laureano Alzate ng RTC Branch 22 sa Kabacan, North Cotabato.


Kasalukuyang nakapiit ang suspek sa CIDG lock-up cell habang hinihintay ang commitment order mula sa korte. Rhoderick BeƱez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento