NEWS UPDATES

Election gun ban violators kinasuhan na sa North Cotabato

(Amas, Kidapawan City/ November 15, 2013) ---Tatlo ka tao ang pormal nang nasampahan ng kaso sa paglabag ng COMELEC election gun ban sa North Cotabato sa katatapos lamang na implemtasyon kahapon (November 12, 2013).

Ito batay sa tala na ipinalabas ng North Cotabato Police Provincial Office.


Kinumpirma rin CPPO Operations Head Senior Inspector Noel Kinazo na pawang mga sibilyan ang mga nahuling violator mula sa President Roxas, Makilala at Kabacan.

Ang mga suspek ay nahuli sa pagpapaputok at pagdadala ng baril.

Ayon kay Kinazo bagama’t tapos na ang election gun ban, mananatili ang kanilang maigting ng surveillance upang mahuli ang mga indibidwal na nagdadala ng mga hindi lisensyadong armas.




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento