NEWS UPDATES

P50M Bagong Bahay Pamahalaan ng Tulunan, pinasinayaan!

(Tulunan, North Cotabato/ November 23, 2013) ---Pinasinayaan na ang bagong P50Milyong pisong Bahay Pamahalaan ng Tulunan, North Cotabato kahapon.

Mismong si Cotabato Gov. Emmylou Lala Talino Mendoza ang nanguna sa pagpapasinaya ng nasabing gusali kasabay ng pagdiriwang ng ika-52 taong anibersaryo ng bayan ng Tulunan.


Nanguna sa nasabing selebrasyon si Tulunan Mayor Lani Candolada at mga matataas na opisyal ng provincial government at ng Pamahalaang lokal ng Tulunan.

Ikinatuwa naman ni Candolada na walang naiulat na mga di inaasahang pangyayari sa dalawang araw na pagdiriwang.

Ang kasalukuyang administrasyon ay nakatutok sa kanyang slogan na “Banwa ta, Amligan” na naglalayong pangalagaan ang bayan ng Tulunan.

Ang bayan ng Tulunan ay binubuo ng 29 na mga barangay at nasa hangganan ng bayan ng Mlang sa Hilagang bahagi at Datu Paglas, Maguindanao sa Timog nito at Liguasan Marsh naman sa kanluran at bayan ng Makilala sa panorteng bahagi nito. Rhoderick BeƱez


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento