(Kabacan, North Cotabato/ November 13, 2013) ---Idinulog ng isang Ginang sa Kabacan PNP ang nawawalang kamag-anak nito mga ilang araw na ang nakalilipas matapos dinala ang nirentahang traysicab sa di malamang lugar.
Sa panayam ng DXVL News kay Ginang Thelma Carorocan residente ng Purok Aglipay, Kabacan, Cotabato na mag-iisang linggo na umanong hindi umuuwi ang kanyang kamag-anak na kinilalang si Gabriel Alfisar, 27-anyos, binata at residente ng barangay Kilagasan ng bayang ito.
Dagdag ni Carorocan na nagpa-alam umano sa kanya ang nasabing binata na rentahan ang Kawasaki Bajaj na may plakang MV 2389 at may body control number na 0114 para ipamasada pero hanggang ngayon di pa nakabalik.
Patuloy ngayon ang panawagan ng ginang sa sinuman ang nakakita ngnasabing sasakyan na kung maari ay ireport sa pulisya o di kaya sa kinauukulan upang maka-uwi na rin ang kanyang kamag-anak. Rhoderick BeƱez
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento