NEWS UPDATES

Barangay Defense System, pinalalakas ng Kabacan PNP

(Kabacan, North Cotabato/ December 13, 2013) ---Muling inorganisa ng Kabacan PNP sa ilang mga barangay sa bayan ang Barangay Peace Keeping Action Team o BPAT.

Ayon kay PCInsp. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP layon nito na palakasin pa ang defense system sa mga barangay at preventive measures laban sa mga crime activities sa mga malalayong barangay ng Kabacan.


Kabaling sa mga barangay na inac-tivate ang BPAT ay ang Barangay ng Aringay, Malanduage, Bannawag, Pisan at Lower Malamote.

Ito ang mga lugar na bahagi ng entrapment operations ng pulisya para sa choke point sa labas ng Poblacion.

Ito para masawata kung di man tuluyang matuldukan ang nangyayaring kriminalidad sa bayan kagaya ng nakawan ng motorsiklo, carnapping, robbery, illegal drugs, illegal logging at iba pa.

Katuwang ng Kabacan MPS ang LGU Kabacan sa pamumuno ni Mayor Herlo Guzman, Jr., militar at ang mga barangay opisyal sa tulong naman ng kooperasyon ng mamamayan.

Samantala sinabi ni Maribojo na abot naman sa 50 piraso ng mga open pipe mufflers ang nakumpiska ng Kabacan PNP na karamihan ay lumalabag sa batas trapiko at paggamit ng open pipes na motorsiklo.

Aasahan namang isasapubliko ang pagsira sa mga nakumpiskang open pipes, anumang araw simula ngayon. Rhoderick BeƱez


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento