NEWS UPDATES

4 na mga Sitios sa Kabacan, maiilawan sa ilalaim ng SEP

(Kabacan, North Cotabato/ December 13, 2013) ---Apat na mga Sitios sa bayan ng Kabacan ang ngayon ay benepisyaryo ng Sitios Electrification Program ng Department of Energy o DOE.           
                                                       
Ito ang sinabi ni COTELCO Spokesperson Vincent Baguio kabilang na dito ang Sitio Lagundungan sa Magatos; Purok Tagumpay ng Pisan; Sitio Kibales ng Kayaga at Purok Magalao ng Magatos.       
                                                                                    
Inaasahang abot sa 30 mga households ang mabibiyaan ng pailaw sa nasabing programa ng Pamahalaang Nasyunal.        
       
Una dito sinabi ni Baguio na patuloy pa rin umanong makakaranas na isa hanggang isa at kalahating oras na load curtailment ang service area ng Cotelco kada araw depende aniya sa load dispatch na ipapataw ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP dahil sa power deficiency.          
                                                          
Kaugnay nito, abot na ngayon sa higit siyam na piso ang bawat kilowatt hour ang singil ng kuryente dahil sa pinaghalong private barge mula sa generation ng kuryente na pinagkukunan ng Cotelco. Rhoderick BeƱez



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento