NEWS UPDATES

Motorcycle theft sa Kabacan, bumaba sa huling quarter ng taon

(Kabacan, North Cotabato/ November 8, 2013) ---Bagama’t pumapangalawa ang bayan ng Kabacan sa may pinakamataas na kaso ng nakawan ng motorsiklo sa North Cotabato, malaki naman ang ibinaba ng bilang na ito sa kasalukuyan.

Ayon kay PCInsp. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP nasa Limampung porsientong bumaba ang motorcycle theft sa Kabacan habang papatapos ang huling quarter ng taon.

Ito makaraang pinaigting nito ang Integrated Patrol System partikular na sa Poblacion at mga pangunahing kalye ng bayan simula ng manungkalan ang opisyal bilang bagong chief of Police.

Noong Martes ng umaga (Nov. 5), abot sa Sampung mga motorsiklo kasama na ang mga trysicab ang nahuli ng mga otoridad dahil sa iba’t-ibang paglabag sa batas trapiko.

Kabilang sa mga nilabag ng mga naka-impound na motorsiklo ay ang kawalan ng kaukulang dokumento, pagbibiyahe na walang prangkisa, walang license plate at ang bawal na paggamit ng mga open pipe na motorsiklo.

Sinabi ni Maribojo na may ilang mga motorsiklo na suspected vehicle na ginagamit ng mga riding in tandem na ngayon ay naka-impound sa Kabacan PNP.


Abot na rin sa mahigit sa isang daan ang mga motorsiklong naka-impound ngayon sa kanilang himpilan simula ng palakasin nila ang kampanya kontra nakaw motorsiklo at oplan lambat bitag at kap-kap bakal. Rhoderick Beñez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento