NEWS UPDATES

Mga Street Lights ng Poblacion, Kabacan, pinutulan na ng Serbisyo; P700K na utang ng Barangay Poblacion sa Cotelco, di pa rin nabayaran

(Kabacan, North Cotabato/ December 12, 2013) ---Posibleng magdidilim ang ilang mga pangunahing lansangan at kalye ng Poblacion, Kabacan matapos na putulan na ng Cotelco ang serbisyo ng street lights.

Ito matapos na bigong maka-bayad ang Barangay Poblacion ng kanilang obligasyon sa cotelco na umaabot na sa P700,000.00 ang utang ng nakaraang administrasyon ng Barangay sa kooperatiba.

Sinabi ni Director Samuel Dapon ng Cotelco na ilang beses na ring nag-promissory note ang Barangay Poblacion noon at ang pinakahuli ay noong November 29 na naglagda ng Memorandum of Agreement si dating Kapitan Edna “Nanay” Macaya sa pagitan ng Cotelco.

Noon pa umanong buwan ng Pebrero hanggang sa kasalukuyan ang utang na di nabayaran ng Barangay Poblacion kaya lumubo na ng halos P700,000 ang nasabing bayarin.


Nang tanungin ng bagong upong Kapitan ng Poblacion na si Punong Barangay Mike Remulta ang dating administrasyon at ang taga-ingat yaman walang maipaliwanag ang mga ito kungsaan napunta ang budget para sa street lights. Rhoderick BeƱez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento