NEWS UPDATES

Cong. Catamco, pinabulaanang di ito nakapagsumite ng kanyang SoCE

(Kabacan, North Cotabato/ December 16, 2013) ---Pinabulaanan ni North Cotabato 2nd District Representative Nancy Catamco na hindi siya nakapaghain ng Statement of Contributions and Expenditures (SoCE) sa itinakdang deadline ng COMELEC.                                                                                              
Ayon kay Catamco, may kopya umano siyang hawak ng kanyang SOCE na kanyang isinumite at natanggap ng Provincial Office ng Comelec.      
                               
Bagamat may mga deficiencies sa kanyang mga naisumiteng dokumento, tiniyak naman ng opisyal na kanyang isusubmit ang ilang pang mga kulang nito.   
                          

Nabatid na ang konggresista ang isa sa mga 20 mga mambabatas ang naisama sa listahan ng comelec na bigong nakapag-submit ng kanyang  Statement of Contributions and Expenditures sa nakaraang halalan. Rhoderick BeƱez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento