NEWS UPDATES

Magsasaka dinedo dahil sa droga

(Kabacan, North Cotabato/ December 16, 2013) ---May posibilidad na onsehan sa bentahan ng bawal na droga ang isa sa motibo kaya pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang magsasaka ng di-kilalang lalaki sa bisinidad na tinaguriang drug haven sa Purok Krislam, bayan ng Kabacan, North Cotabato kamakalawa.

Kinilala ni P/Chief Insp. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang panibagong biktima ng pamamaril na si Hezron Sabaoa ng Barangay Bannawag sa nasabing bayan.



Narekober sa crime scene ang 5-basyo ng cal.45 pistol at 1-piraso ng aluminum foil na pinaniniwalaang nag­lalaman ng shabu. Rhoderick BeƱez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento