NEWS UPDATES

Quarry Operation ng Kidapawan City LGU, aarangkada na!

(November 29, 2013) ---Kung maipapasa na sa huli at pinal na pagbasa, tiyak aniyang aarangkada na ang Quarry Operation ng city LGU ng Kidapawan sa Baranagay San Roque.

Ito matapos na maisalang na sa ikalawang pagbasa kanina (November 28, 2013) sa regular na session ng Sanggnuniang Panlungsod ang resolusyon 13-353 na naglalayong ilalarga ang quarry site ng sand and gravel para sa gagawing imprastraktura ng lungsod.


Ang nasabing panukala ay inihain ni councilor Peter Salac, ang may hawak ng committee on Infrastructure at sinang-ayunan naman ng mga lokal na mambabatas.

Aniya malaking tulong ito para mabawasan ang gastusin ng lungsod sa sand and gravel na pangunahing sangkap sa pagpapatayo ng mga infrastructure project ng lungsod.

Umaasa naman si Salac na lulusot na sa susunod na pagbasa ang nasabing resolusyon, para maipatupad na sa lalong madaling panahon.

Bukod sa nasabing panukala, karamihan naman sa mga resolusyon at mga urgent matters na tinalakay sa Sanggunian ay pasado.

Bagama’t may ilang mga konsehal na lumiban sa nasabing session kanina, naging korum naman ang SP. . Rhoderick BeƱez with report from Krezel Dianne Sampani


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento