NEWS UPDATES

Suspek sa pamamaril, tiklo

(Arakan, North Cotabato/ December 9, 2013) ---Arestado ng pinagsanib na pwersa ng Arakan PNP at mga Barangay officials ang isang magsasakang suspek sa pamamaril sa Sitio Katindu, Barangay Malibatuan, Arakan, North Cotabato.

Kinilala ang suspek na si Jay Boy Tuando.

Ayon sa report, nagka-alitan ang suspek at ang biktimang si Morales Ansado,40-anyos na residente ng lugar na nauwi sa pagbaril ng suspek sa biktima.


Nagtamo ng sugat sa kanang binti ang biktima na agad namang isinugod sa pinakamalapit na ospital.


Kasalukuyang nakapiit sa Arakan PNP lock-up cell ang suspek habang inihahanda ang kaso laban sa kanya.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento