NEWS UPDATES

Empleyado ng isang kainan sa Kabacan, hinold-up; motorsiklo, tinangay

(Kabacan, North Cotabato/ November 17, 2013) ---Hinold-up ang isang trabahante ng Mokojo Bistro sa may bahagi ng Crossing Mercado at Matalam Street, Poblacion, Kabacan, Cotabato alas 10:00 kagabi (November 14, 2013).

Nakilala lamang ang biktima sa pangalang Jimboy kungsaan inihatid nito ang kaibigan sa Mercado st. pero ang di nila batid na sinusundan na sila ng mga suspek na lulan sa isang sikad.


Mabilis na bumaba ang mga suspek at sabay tutok ng baril sa mga biktima.

Ang suspek ayon sa report ay dalawang lalaki na mga payat.

Walang nagawa ang dalawa habang tinututukan ng baril, kaya natangay ang minamaneho nitong XRM 125.


Maliban dito sa motorsiklo nilimas din ng mga suspekang dalawang cellphones, Ipad at perang abot sa P4,000.00. Rhoderick BeƱez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento