NEWS UPDATES

25-anyos, binulagta sa onsehan

(Kidapawan city/ November 18, 2013) ---Pinaniniwalaang onsehan sa illegal na gawain ang itinuturong dahilan kung bakit napatay ang isang 25-anyos na lalaki makaraang ratratin ng mga riding in tandem assassins sa Block 8, Lot 12, Apo Sandawa Phase 3 sa Kidapawan city alas 6:10 kagabi (November 13, 2013).

Kinilala ni Superintendent Noel Kinazo ang deputy director for operations ng Cotabato Provincial Police Office, ang biktima na si Mark Richard Blam.


Naisugod pa ang biktima sa pinakamalapit na bahay pagamutan sa lungsod subalit ideneklara itong dead on arrival ng mga attending physician.

Agad namang tumakas papalayo ang mga suspek matapos maisakatuparan ang masamang balakin.

Nagsasagawa pa ng malalimang imbestigasyon ang mga otoridad. Rhoderick BeƱez


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento