NEWS UPDATES

Ilang mga kamag-anak ng biktima ng Maguindanao Massacre, sinusubukang suhulan

(Maguindanao/ November 22, 2013) ---Inihayag ng isa sa mga abogado ng mga naulila sa Maguindanao massacre na hanggang sa ngayon ay sinusubukan pa ring suhulan ang mga kaanak ng mga biktima.

Sinabi ni Atty. Prima Quinsayas, abogado ng mga naulila ng 17 sa mga biktima ng massacre, ilang beses nang sinubukang suhulan ng mga akusado ang kanyang mga kliyente mula pa noong taong 2010.


Aniya, ang inaalok na suhol ay nagkakahalaga ng P250 thousand pesos hanggang P25 million pesos.

Ang nasabing suhol ay kapalit ng paglagda ng mga kaanak ng mga biktima na pumirma sa affidavits of desistance, deklarasyon na ang mga akusado ay hindi sangkot sa Maguindanao massacre at pagtanggal kay Atty. Quinsayas bilang abogado ng mga naulila.

Gayunpaman, wala pa namang naririnig si Atty. Quinsayas na nagtagumpay ang nasabing mga bribe attempts.


Kung may mga nangyari mang settlement o areglo sa pagitan ng mga akusado at ng mga naulila ng Maguindanao massacre, hinihikayat niya ang mga itong lumantad para mapatunayang guilty ang nasabing akusado batay na rin sa rules of court.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento