NEWS UPDATES

Budol-budol Gang, muli na namang tumira sa Kidapawan City, P20K, natangay

(Kidapawan City/ November 7, 2013) ---Muli na namang tumira ang mga masasamang loob partikular na ang mga budol-budol gang sa Kidaapwan City matapos na tangayin ng mga ito ang abot sa 20 libong pisong cash mula sa estudyanteng biktima, ayon sa ulat kahapon.

Kinilala ang biktima na si Juzelle Valido, residente  ng Nursery Phase I, Kidapawan City.

Ayon sa report, bigla na lamang lumapit ang mga suspek sa biktima at sa di maipaliwanag na paraan ay ibinigay nito ang pera sa dalawang suspek.

Inaalam na ngayon ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng mga suspek lalo na at maraming kaso na rin ng panloloko ang naitala ng Kidapawan City PNP. Rhoderick BeƱez


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento