NEWS UPDATES

2 Patay sa pamamaril sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ December 4, 2013) ---Pinaniniwalang onsehan sa illegal na droga ang dahilan kung bakit itinumba ang dalawa katao sa tinaguriang “drug den” sa bayan ng Kabacan, North Cotabato na nasa Purok Krislam alas  3:00 kahapon.

Kinilala ni PCInsp. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP angmga nasawi na sina Francis Jayson Librando Aquino, residente ng Ugalingan, Carmen, North cotabato habang patay din ang kasama nitong kinilala lang sa Pangalang An-an, isang Guest Relation Officer.


Pinagbabaril ang dalawa gamit ang di pa matukoy na uri ng armas kungsaan nagtamo ng tama ng bala ang dalawa sa iba’t-ibang bahagi ng kanilang katawan na nagging dahilan ang agaran nilang kamatayan.


Malaki ang paniniwala ni Maribojo na may kinalaman sa illegal drugs ang dahilan ng pagkamatay ng dalawa. Rhoderick BeƱez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento