NEWS UPDATES

Market Vendor ng Pikit, pinabulagta

(Pikit, North Cotabato/ November 11, 2013) ---Bulagta ang isang 54-anyos na market vendor ng Pikit, North Cotabato makaraang barilin ng riding in tandem sa National High way, partikular sa Barangay Fort Pikit, Pikit, Cotabato alas 6:15 kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni PCInsp. Joefrey Todeno, hepe ng Pikit PNP ang biktima na si Virgilio Cordova Caragos residente ng Poblacion ng nasabing bayan.


Sa inisyal na pagsisiyasat, nagbibisikleta  ang biktima ng lapitan ito ngmga suspek lulan ng single motorcycle at pinatumba.

Nagtamo ng malubhang tama ng bala ang biktima sa kaliwang dibdib nito na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Narekober sa crime scene ang ilang slug ng kalibre .45 na pistol.

Naisugod pa umano ang biktima sa Cruzado Medical hospital pero ideneklara itong dead on arrival ng mga attending physician habang tumakas naman papalayo ang mga suspek sa bahagi ng Barngay Batulawan sa nasabing bayan.


Hindi pa malinaw kung ano ang motibo sa nasabing pamamaril. Rhoderick BeƱez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento