NEWS UPDATES

50-anyos na lalaki, patay sa saksak sa Kabacan, NCot; suspek, arestado

(Kabacan, North Cotabato/ November 12, 2013) ---Patay ang isang 50-anyos na lalaki makaraang pagsasaksakin ng kanyang kainuman sa Ma. Clara Extension, Poblacion, Kabacan, Cotabato pasado alas 10:00 ng gabi kamakalawa.

Kinilala ni PCInps. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang biktima na si Primo Calamagan, may asawa at residente ng nabanggit na lugar.


Habang kinilala naman ang suspek na si Ramil Mandil, 30-anyos at residente din ng nasabing lugar.

Batay sa inisyal na pagsisiyasat, nag-iinuman umano ang dalawa at nagkaroon ng mainitang pagtatalo hanggang sa humantong sa pananaksak ni Mandil kay Calamagan gamit ang kutsilyo.

Sa tiyan napuruhan ang biktima na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Samantala sa isinagawang pursuit operation ng Kabacan PNP, makalipas ang apat na oras ay naaresto ang suspek na tumakas sa Barangay Paatan.

Naihanda na rin ng Kabacan PNP ang kaukulang kaso laban sa suspek, at ngayong araw ay isasampa na ito.


Sa ngayon nakapiit ang suspek sa Kabacan lock-up cell. Rhoderick BeƱez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento