NEWS UPDATES

Ilang mga Lumads sa Carmen, North Cotabato, nagdiwang ng kapiestahan

(Carmen, North Cotabato/ November 11, 2013) ---Ipinagdiriwang ng mga lumad sa Barangay Bentangan, Carmen, North Cotabato ang masaganang ani ng mga ito at biyayang natanggap sa Poong Maykapal.

Nanguna sa nasabing kapiestahan ang Aromanon-Manuvu, isa sa mga tribo sa Mindanao na nagsasagawa ng ‘Samayaan’, isang ispiritwal na seremonya bilang bahagi ng masaganang ani.


Bukod dito, nag-alay din ng panalangin ang nasabing tribu para sa magandang pagtanim.

Sa nasabing barangay kasi, makikita ang maraming tribu ng Aromanon-Manuvu na nagsasagawa ng festival kagaya ng “Pamaya”, “Bulangan” at “Ulahingan”.  

Ang nasabing festival ay kinatatampukan ng iba’t-ibang sayaw sa saliw ng musika.

Kabilang sa tribung sinasayaw ng mga ito ay ang tinatawag na
 “Pamikar”, “Pamendita”, “Hari” at “Aglukuvan”. 

Nagsasagawa din ang mga ito ng ‘Kalong’ o ang tinatawag na the war dance.

Kabilang sa mga ritwal na ginagawa ng mga ito ay ang sabong ng pula at puting tandang.

Naniniwala din umano angmga Aromanon-Manuvu na may kasaganaan kapag ang putting manok ang mananalo sa nasabing sabong habang kasalatan naman kapag ang pulang manok ang mananalo. Rhoderick BeƱez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento