NEWS UPDATES

Paaralang pagdadausan ng Special Election sa Pikit, North Cotabato; sinunog!

(Pikit, North Cotabato/ November 8, 2013) ---Sinunog ng mga di pa nakilalang mga suspek ang gusali ng paaralan sa Barangay Bagoinged sa bayan ng Pikit, North Cotabato alas 2:00 ng madaling araw kahapon.

Ayon kay PCInsp. Joefrrey Todeno, hepe ng Pikit PNP isa ang ang nasabing eskwelahan sa mga pagdadausan ngayong araw ng special election sa nasabing bayan.


Patuloy pa ngayon ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad kung sino ang mga responsable sa nasabing panununog.

Sa panayam sa opisyal kahapon, nag-deploy na sila ng mga kapulisan at militar sa 12 pagdadausan ng special election.

Napag-alaman na 153 mga pulis ang tatayong election tellers para sa special barangay elections sa 12 barangay sa nasabing bayan.

Sinabi ng Commission on Elections na gaganapin ang halalang pambarangay bukas (Nobyembre 8) makaraang makaraang hindi matuloy nitong Oktubre 28 dahil sa isyu ng seguridad.

Sumailalim naman sa orientation ang mga pulis na tatayong election tellers kung paano magpatakbo ng halalan, ayon kay Provincial Election supervisor Atty. Duque Kadatuan. Rhoderick BeƱez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento