Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

(Update) Court sheriff, binawian nan g buhay matapos pagbabarilin

(Midsayap, North Cotabato/ February 21, 2014) ---Napatay ang isang court sheriff makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem assassins sa bahagi ng Barangay Agriculture sa bayan ng Midsayap, North Cotabato kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Juanito Diazon, court sheriff ng Midsayap Regional Trial Court Branch 18. Base sa police report, pababa ng kanyang motorsiko ang biktima nang lapitan at pagbabarilin ng tandem, ayon kay P/Supt. Renante Delos Reyes, hepe ng Midsayap PNP.


Inaalam din ng pulisya kung may kaugnayan sa trabaho  sa biktima ang naganap na pamamaslang habang umaasa naman si Midsayap Mayor Romeo Arana na mabibigyan ng hustisya ang sinapit ng biktima. Rhoderick Beñez PSN

0 comments:

Mag-post ng isang Komento