Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

8 taong gulang na bata, sugatan makaraang mabundol sa Midsayap, Cotabato

(Midsayap, North Cotabato/ February 20, 2014) ---Sugatan ang 8-anyos na bata makaraang mabundol ng isang multi carry sa National Highway ng Midsayap, North Cotabato alas 12:35 ng tanghali kanina.

Sa report ng Midsayap PNP Traffic Division, kinilala ang biktima na si Asia Yunting Bation residente ng Barangay Sadaan ng nasabing bayan.


Ayon sa inisyal na pagsisiyasat habang binabaybay ng multi-carry ang kanlurang bahagi ng National Highway dahil sa mabilis na pagpapatakbo, aksidenteng nabundol ng sasakyan ang papatawid na bata.


Agad namang isinugod ang biktima sa pinakamalapit na bahay pagamutan para mabigyan ng medikal na atensiyon habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa nasabing insedente. Konektado ka sa mga balita mula sa Midsayap PNP, USM Devcom Intern Karen Claire Campollo DXVL NEWS!

0 comments:

Mag-post ng isang Komento