Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

21-anyos na lalaki nagbigti sa puno ng Mangga sa Carmen, NCot

(Carmen, North Cotabato/ February 25, 2014) ---Pinaniniwalaang problema sa buhay pag-ibig kaya’t nagpasalubong kay kamatayan ang isang 21-anyos na magsasaka sa pamamagitan ng pagbigti sa puno ng mangga sa BPI compound, Barangay Aroman, Carmen, North Cotabato alas 3:00 kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni PO2 Mark John Penaso, investigator on case ng Carmen PNP ang biktima na si Levie Erag Ferarin residente ng Purok 18, Barangay Kibudtungan ng nasabing bayan.


Nabatid na naglalakad pauwi sa kanilang bahay ang ilang residente ng mapansin nila ang naturang bangkay kungsaan nakasabit ito sa ilalim ng punong mangga gamit ang “shawl” o balabal.

Sa imbestigasyon ng mga pulisya, nagkaroon umano ng mainitang pagtatalo ang naturang lalaki at ang live-in partner nito bago naganap ang hinihilalang pag-suicide ng biktima.

Hiniwalayan umano ito ng kanyang live-in partner pero ayaw umano nito, kaya posibleng ito ang dahilan kung kaya’t nagbigti ang binatilyo, ayon sa PNP.

Sa ngayon, isinailalim na sa autopsiya ang bangkay ng biktima para alamin kung may foul play sa pagkamatay ng biktima. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento