Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Kasapi ng BFP, Patay sa panibagong Shooting incident sa Pikit, North Cotabato

(Pikit, North Cotabato/ February 20, 2014) ---Napaslang ang kasapi ng Bureau of Fire Protection matapos na pagbabarilin ng di pa nakilalang suspek sa loob ng Pikit Public Market, Pikit, North Cotabato bago mag-alas 5:00 kahapon ng hapon.

Kinilala ni PInps. Mautin Pangandigan, OIC Chief of Police ng Pikit PNP ang biktima na si Fire Officer 2 Taib Mamasalagat Acob, 43-anyos, may asawa at residente ng Barangay Buliok ng nasabing bayan.


Batay sa inisyal na pagsisiyasat ng mga kapulisan, nasa loob umano ng tindahan ng isada ang biktima at bumibili ng tali  ng pagbabarilin ng tatlong beses ng di pa nakilalang suspek gamit ang kalibre .45 na pistol batay sa mga narekober na bala sa crime scene.

Patay on the spot ang biktima matapos na mapuruhan sa leeg at kanang braso nito.

Mabilis namang tumakas ang suspek sa direksiyon ng Pagalungan, Maguindanao lulan ng CT100 Kawasaki na Motorsiklo.

Sa ngayon nagpapatuloy ang masusing imbestigasyon ng Pikit PNP para alamin ang totoong motibo sa nasabing shooting incident. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento