Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

2 katao sugatan sa pananaga sa Arakan, North Cotabato

(Arakan, North Cotabato/ February 20, 2014) ---Sugatan ang dalawa katao makaraang pagtatagain sa Barangay Kabalantian, Arakan, North Cotabato alas 10:00 kagabi.  
                                  
Kinilala ni PSI Rolly Oranza, hepe ng Arakan PNP ang biktima na sina Randy Galamgam, 30-anyos, magsasaka at  residente ng Digos City at Junard Sorillo, 34 magsasaka at residente ng Kalabantian ng nasabing bayan. 
                  
Nag-iinuman ang mga biktima at nagkaroon ng mainitang pagtatalo hanggang sa humantong sa pagtatalo at tagaan.    
    
Malubhang nasugatan si Galamgam matapos na magtamo ng maraming taga sa iba’t-ibang parte ng kanyang katawan na mabilis na isinugod sa Cotabato Provincial Hospital sa Amas, Kidapawan City habang sugatan naman sa tiyan ang isa pa.   
                                     
Sa ngayon patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng Arakan PNP. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento