Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

19-anyos na lalaki, na-hold-up; P10K at laptop natangay

(Kabacan, North Cotabato/ February 20, 2014) ---Natangay ang P10,000 na cash at laptop ng isang 19-anyos na panibagong biktima ng hold-up sa may corner ng USM Avenue at Sunrise St., Poblacion, Kabacan, Cotabato  alas 5:00 ng madaling araw kanina.

Kinilala ng Kabacan PNP ang biktima na si Jevi Corpuz residente ng block 9, Purok 3, Iligan City.


Aniya, Naghihintay umano siya ng kanyang tiyahin upang sumabay ito sa kanilang reunion ng bigla na lamang dumating sa harapan nito ang mga suspek lulan ng single motorcycle at tinutukan ito ng baril at nag deklara ng hold-up.

Tinangay umano ang cellphone, bag na may lamang laptop at pera na nagkakahalagang 10,000 pesos.

Walang magawa ang biktima kundi ibigay ito.

Agad namang tumakas ang mga salarin papalayo sa di malamang direksiyon.

Sa ngayon patuloy parin ang imbistigasyon at pag-aksyon ng mga kapulisan para kilalanin at mapanagot ang nasabing suspek sa batas. USM DevCom Intern Karen May Tamagos, DXVL news!




0 comments:

Mag-post ng isang Komento