Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Isang lalaki, arestado sa pagnanakaw sa isang establisiemento sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ February 24, 2014) ---Arestado ang ng Kabacan PNP ang isang lalaki matapos itong magnakaw ng isang pakete ng gatasKinilala ng Kabacan PNP ang lalaki na si Bro Acoy Macaalay, 23-anyos, isang magsasaka, may asawa at residente ng Sitio Abpa, Kayaga, Kabacan, Cotabato.

Batay sa report,  kasagsagang abala  ang mga mamimili sa Amplayo Grocery na matatagpuan sa corner Aglipay Street at Jacinto Street, Poblacion, Kabacan alas-singko ng hapon noong Sabado ng biglang nagpumiglas si Macaalay upang tumakas dahil sa atrasong pagnakaw ng isang pakete ng gatas na nagkakahalaga sa humigit dalawang daang piso.


Agad namang tumawag ang isa sa mga trabahante ng naturang establishimento sa kapulisan upang arestuhin ang lalaki.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng Kabacan PNP ang naturang suspek. Jhar Didatar, DXVL NEWS!


0 comments:

Mag-post ng isang Komento