Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

PESO Office ng LGU Kabacan, tumatanggap na ng mga aplikante para sa Special Program for the Employment of Students o SPES

(Kabacan, North Cotabato/ February 21, 2014) ---Tatanggap na ng mga aplikante ang Public Employment and Services Office ng Kabacan para sa Special Program for the Employment of Students o SPES simula ngayong Lunes February 24.

Ito ayon kay SPES Coordinator Geraldine Manuel na layon nito na matulungan ang mga estudyanteng walang kakayahan na makabayad ng kanilang matrikula o pantustos sa pag-aaral.


Aniya kabilang sa mga qualifications ng programa ay: graduating student at college student lang na residente ng Kabacan ang pwedeng mag-apply; ang mga aplikante ay dapat walang INC o bagsak na grado sa nakaraang school year o semester; ang mga aplikante ay dapat hindi beneficiary ng kahit anong scholarship program at higit sa lahat dapat magpakita sila ng Income Tax Return ng kanilang magulang o guardian.

Magtatapos ang filling-up ng SPES Application form ngayong darating na March 31, 2014 at magsisimula ang summer job sa April 20, 2014. Ruvey Mae Pagaran, para sa DXVL News!


0 comments:

Mag-post ng isang Komento