Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

3 sugatan makaraang masabugan ang sasakyan ng Alkalde sa Pres. Roxas, North Cotabato

(President Roxas, North Cotabato/ February 28, 2014) ---Inaalam na ngayon ng mga otoridad kung anung grupo ang may kagagawan ng pagpapasabog sa sasakyan ng isang Alkalde sa North Cotabato dakong alas 2:45 ng hapon kahapon.

Nakilala ang mga sugatan na sina SPO4 Castillo, PO3 Ilagas at PO2 Joselex Avena na pawang mga security escort ni President Roxas Mayor Jaime Mahimpit.



Ayon sa nakalap na report lulan si Mayor Jaime Mahimpit sa kanyang sasakyan patungong Brgy Inda sa bayan ng President Roxas, North Cotabato para tingnan ang isang road concreting project nang biglang sumabog ang isang roadside bomb.

Nakaligtas si Mayor Mahimpit ngunit sugatan ang kanyang tatlong police escort.

Ang mga sugatan ay agad isinugod sa New Cebu Hospital sa President Roxas NCot.

Malaki naman ang paniniwala ng pulisya at militar na landmine ang sumabog at itoy kagagawan ng New People’s Army o NPA.

Sa ngayon patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad at pagtugis sa mga responsable sa nasabing krimen. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento