Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mga matataas na armas ng armadong grupo, nasamsam ng mga otoridad sa Maguindanao

(Maguindanao/ February 20, 2014) ---Nabawi ng militar ang mga matataas na uri ng armas nang makasagupa nito ang mga armadong grupo sa Barangay Nabundas Shariff Saydona Mustapha, Maguindanao nitong Martes.

Ayon kay 6th Infantry (Kampilan) Division Phil.Army Spokesman Colonel Dickson Hermoso na habang nagpapatrolya ang mga tauhan ng Bravo Company ng 45th Infantry Battalion Phil.Army sa bahagi ng Maguindanao ay bigla itong pinaputukan ng mga myembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).


Dahil dito nagkaroon ng palitan ng putok matapos na gumanti ang mga sundalo dahilan ng tatlumpung minutong palitan ng putok sa magkabilang panig.

Umatras ang mga rebelde patungong Liguasan Marsh ng dumating ang karagdagang pwersa ng militar.

Walang nasugatan sa panig ng 45th IB habang di matiyak sa mga rebelde.

Narekober ng mga sundalo sa lugar kung saan nangyari ang sagupaan a ang dalawang M16-Armalite rifles,isang M14 Rifle at mga buhay na bala na iniwan ng rebelde.

Sa kasalukuyan ay nagpapatuloy ang hot pursuit operation ng militar laban sa BIFF.


0 comments:

Mag-post ng isang Komento