Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Menor de edad sa Kabacan, huli sa pagnanakaw ng Laptop

(Kabacan, North Cotabato/ February 26, 2014)---Naghihimas ngayon ng rehas na bakal ang isang 18 anyos na lalaki  matapos itong mahuli sa pamamagitan ng Citizen’s Arrest sa Aglipay St., Poblacion, Kabacan, Cotabato alas kwatro bente singko kahapon ng hapon kung saan nakuha sa pag iingat nito ang isang GATEWAY Laptop na kulay metal na pag-aari ni Airen Doong Rosete, isang guro sa University of Southern Mindanao.

Ang naturang menor de edad ay isa umanong bakla, walang asawa at residente ng Baranggay Nangaan, Kabacan, Cotabato.


Bukod sa nasabing LAPTOP, nakuha rin sa pag-iingat ng suspek ang iba’t-ibang uri ng susi ng Microbiology Laboratory ng College of Arts and Science, University of Southern Mindanao kung saan personal itong kinilala ni Bai Sharifa Mamalo, isang guro dito sa USM.

Sa ngayon ay kasalukuyang nasa kustodiya na ng Kabacan PNP habang patuloy pa ang imbestigasyon. 

Inaalam din ng PNP kung may direktang kinalaman ang suspek sa serye ng nakawan sa loob ng USM kung saan matatandaang ilang mga USM faculty na ang naiulat na nakawan.


0 comments:

Mag-post ng isang Komento