Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Tomboy, panibagong biktima ng shooting incident sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ July 2, 2013) ---Patuloy ngayon ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa panibagong shooting incident na naganap sa Tomas Claudio St., Poblacion, Kabacan, Cotabato alas 9:00 ng gabi nitong linggo.

Kungsaan isang 25-anyos na pinaniniwalaang tomboy ang panibagong biktima ng pamamaril.Kinilala ng Kabacan PNP ang biktima na si Sherry Ann Villanueva, residente ng Villanueva Subd, Poblacion ng bayang ito.

Nagtamo ang biktima ng tama ng bala sa dibdib na naging dahilan ng agara nitong kamatayan.

Naisugod pa si Villanueva sa pinakamalapit na bahay pagamutan pero ideneklarang dead on arrival ng mga attending physician.

Inaalam pa ngayon ng pulisya kung anu ang motibo sa nasabing pamamaslang habang nagpapatuloy ang malalimang imbestigasyon.

Nabatid na ang biktima ay nahuli noong nakaraang taon dahil sa paggamit ng ipinagbabawal na gamut. (Rhoderick Beñez)












0 comments:

Mag-post ng isang Komento