Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Lalaki, arestado habang at large ang kasama sa pagnanakaw ng motorsiklo sa Carmen, North Cotabato

(Carmen, North Cotabato/ July 4, 2013) ---Arestado ang isang lalaki habang pinaghahanap pa ang mga kasama nito matapos inireklamo sa pagnanakaw ng isang motorsiklo sa Brgy. Manarapan, Carmen North Cotabato.

Kinilala ng Carmen PNP ang suspek na si Mohammed Dalid na umano’y tumangay sa Kawasaki Bajaj motorcycle na pagmamay-ari ni Kagawad Ingko Dalid.


Ayon sa report,hiniram ng suspect ang motorsiklo ng biktima noong nakaraang Huwebes.
Lumipas ang ilang araw hindi na bumalik ang suspek sa lugar.

Sa isang joint operation na isinagawa ng Carmen at Pagalungan PNP nabawi ang motorsiklo ng biktima.

Napag-alamang isinanla ng suspek ang motorsiklo sa halagang limang lbong piso.



0 comments:

Mag-post ng isang Komento