Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Lalaki, arestado sa buybust operation sa Midsayap, North Cotabato

(Midsayap, North Cotabato/ June 27, 2013) ---Arestado ang isang lalaki sa buy bust operation na isinagawa ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA at Midsayap PNP sa Barangay Poblacion 7, Midsayap, North Cotabato, dakong alas 3:30 kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang suspek na si Gilbert Degamo na taga Poblacion 7, Midsayap.

Ayon sa report, nakuha sa suspek ang 16 na sachet ng pinaniniwalaang shabu at 500 peso marked money.

Sa ngayon, nasa Midsayap PNP lock-up cell na ang suspek at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.
Samantala sa Antipas, North Cotabato ---Arestado ng mga operatiba ng PNP ang  isa sa mga most wanted person na may kasong rape sa  Antipas, North Cotabato.

Kinilala ang suspek na si Ronnie Balenya ,42, residente  ng naturang lugar.

Sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Arvin Balagot ng Regional Trial Court Branch 23 sa Kidapawan City sa kasong rape.

Ayon kay Antipas PNP Chief of Police Inspector Felix Fornan,nahuli ang suspek sa Ecoland Terminal,Davao City bandang alas diyes kagabi.

Napag-alamang doon nagtago ang biktima matapos ang ginawang panggagahasa.

Sa ngayon ay nakakulong na ang biktima sa lock-up cell ng Talomo PNP sa Davao City habang hinihintay ang commitment order kung saan siya permanenteng ikukulong.



0 comments:

Mag-post ng isang Komento